Bugaling, nawalan ng raket dahil sa manager ng hunky actor!

Galit ang isang tagahatid ng ligaya sa isang manager na may alagang hunky actor dahil nawalan siya ng komisyon.

Ang tagahatid ng ligaya ang supplier niya ng lalaki na natitipuhan ng isang elected official sa isang malayong probinsiya.

Basta type ng official at nagkasundo sa presyo, ang tagahatid ng ligaya ang middle man. Datung ang kapalit ng pagiging middle man nito o ang pagiging bugaling (bugaw).

Kasi naman daw si manager, aba, dumidirekta na sa opisyal. Siya na mismo ang nag­rereto sa kanyang alaga lalo na nung panahong bakante ang alaga sa trabaho.

Kaya nang magkita ang manager ng hunky actor at bugaling, nagpigil na lang ang huli na sitahin ang manager kahit malaki rin ang nawalang komisyon sa kanya, huh!

Bianca, Herlene at Rob, luma na ang denial

Kanya-kanyang deny ang sangkot sa lumabas na convo na tila lumalabas na mayroon silang ugnayan sa isa’t isa.

Ang convo nina Bianca Manalo, Herlene Budol at Rob Gomez ang pinagpistahan ng mga Marites in and out of showbiz nitong nakaraang mga araw.

Nagtaka si Herlene kung bakit nasangkot siya sa issue. Nagbanta na rin siyang kakasuhan ang naglabas ng convo nila ni Rob.

Si Rob naman, may kumuha raw ng kanyang phone at pinakialaman ito. Halos ganun din ang pahayag ni Bianca ayon sa reports.

Hmm, hindi na bago ang denials ng mga artistang sangkot sa ganyang issue, huh! Been there, done that!

Bahala na lang kayo kung paniniwalaan ninyo sina Bianca, Herlene at Rob!

Show comments