KC, in-unfollow sina Kiko at Frankie!

KC
STAR/ File

Kanya-kanyang pahayag ng point of view ang fans at netizens sa isyung in-unfollow ni KC Concepcion sa Instagram ang stepdad niyang si Kiko Pangilinan at ang kapatid na si Frankie Pangilinan. Sino raw kaya ang may kasalanan na umabot sa un-followhan ang pangyayari?

Wala rin si KC sa birthday dinner ni Kiko with his family, si KC lang ang absent sa magkakapatid and again, hindi natin alam ang rason. Pati ang paka-delete ni KC ng Father’s Day greetings niya kay Kiko ay napansin din ng fans.

Birthday ni Kiko noong Aug. 24 at walang nabasang greetings from KC o puwede ring tinawagan o sa Messenger na lang niya binati ang stepdad niya na “Dad” kung kanyang tawagin dahil legally adopted na siya nito.

Kanya-kanyang kampihan ang fans sa kung sino ang may kasalanan sa bagong isyu kina Sharon, Kiko, Frankie at KC. Tanong din ng fans, bakit si Frankie lang ang in-unfollow ni KC, bakit hindi nito in-unfollow si Miel?

Saka bakit daw sa presscon ni KC ng movie niyang Asian Pesuasion, binanggit sina Sharon at Gabby? Dapat daw sa kanya at sa movie lang siya nag-focus. Ang sagot dito ay baka naman tinanong si KC.

Anyway, hintayin na lang natin at maaayos din ang lahat at makikita na lang natin lahat na naka-follow na uli siya sa mom, stepdad niya at sa sister niya.

Gabbi, sinampal si Jodi!

Sa Monday na agad magsisimula ang Book 2 ng Unbreak my Heart at ibig sabihin, nakunan na ang mga eksenang mapapanood sa Book 2. Ano ‘yung sinabi ni Richard Yap na magsisimula silang mag-taping sa papasok na linggo ng Book 2 ng series?

Anyway, intense ang ending ng Book 1 ng Unbreak my Heart na kung saan, sinampal ni Gabbi Garcia bilang si Alex ang mom niyang si Rose (Jodi Sta. Maria). Dahil sa mga eksenang ‘yun, may mga nagalit sa kanya. Ayaw na raw nito rito dahil nananampal ng nanay.

Show comments