Bitoy, patok sa parody

Michael V.

Ang bongga naman ni Michael V. Kinaaliwan siya sa kanyang OOTD.

Ipinost niya sa kanyang social media ang picture niya na nakasuot ng isang karakter sa isang Netflix series na Wednesday dahil nga Miyerkules kahapon.

Tuwang-tuwa naman ang fans sa kanya. May nagtanong pa kung Halloween na nga ba para kay Bitoy dahil sa suot nito.

Hindi lang kilala si Bitoy sa pagiging komedyante kundi pati sa mga parody nito sa iba’t ibang celebrities. Kailan lamang ay umani ng three million views ang parody niya sa singer na si Morissette.

Hindi lang dito kundi pati ang foreign YouTubers ay bumilib sa kanya sa galing nito sa pagkanta at concept nito.

Ayon nga sa isang YouTuber ay may relatability, honesty at message ang parody nito. Bongga.

Mayor Roque, may charm

Alam ko na kung ano ang charm ni Mayor Enrico Roque ng Pandi, Bulacan. Imagine mo na sa gitna ng marami niyang trabaho, mahigpit na oras, nagawa pa rin niya na dumalaw sa dialysis session ko.

Talagang na-touch ako dahil hindi ko naisip na sisingit sa oras niya ang pagdalaw sa akin. Kaya nga hindi arte pero na teary-eyed talaga ako. ‘Yung dalaw sa akin sa ganitong panahon na talagang very busy ang lahat hindi ko talaga malilimutan. Talagang sa puso ko nakatatak iyon, isang utang na loob na hindi mababayaran.

I will forever be grateful and thankful.

Show comments