Lee Dong Wook at Yoo In-Na, magpapakilig sa Touch Your Heart

MANILA, Philippines — Tiyak na magpapakilig sa inyong hapon sina Yoo In-Na at Lee Dong Wook para sa kanilang sikat na romantic-comedy drama Touch Your Heart na ipinalabas na sa ABS-CBN noong Lunes (Nobyembre 25).

Isang artistang biglang nakalimutan ng mundo si Celine Oh (In-Na) pagkatapos niyang masangkot sa isang iskandalo. Gusto niyang bumalik sa mundong kinagisinan niya at maging isang artistang may tropeo sa pag-arte, at magiging daan dito ang isang te­leserye na kanyang gustong kunin ngunit may kapalit: Kailangan niyang maging interna sa isang law firm para gampanan ang parte. Dito niya makikilala si Daryl Kwon (Dong Wook), isa sa mga pinakamahusay na lawyer ng kumpanyang kanyang pinapasukan, at magsisilbi bilang kanyang secretary.

Kabaliktaran naman ni Celine si Daryl, na ayaw sa tao at mapag-isa at naka-focus lamang sa trabaho. Ngunit, hindi maiiwasang magkagustuhan ang dalawa at magiging problema ni Daryl ang pagkakaroon ng isang artistang karelasyon.

Ano kaya ang mangyayari sa kanilang pagtitinginan at magiging epekto nito sa kanilang relasyon bilang boss at secretary?

Huwag palampasin ang isa sa mga romance-comedy hits ngayong taon, ang Touch Your Heart sa ABS-CBN.

Show comments