Sagot sa giyerang JK at Darren
Nagbigay ng sarili niyang opinion ang singer na si Daryl Ong kung siya ang inakusahang bading. Nitong nakaraang mga araw, nagkaroon ng Twitter war ang singers na sina Darren Espanto at JK Labajo kung saan nabanggit ang salitang gayness sa tweet.
Heto ang post ni Daryl sa Facebook at Twitter:
“If I was the one accused of being gay, (maliban na lang kung may kasamang threat or binastos ako at pamilya ko), hindi siguro ako mag-aaksaya ng panahon mag-react lalo na kung alam ko naman na hindi totoo, at kung nagkataon mang totoo, eh ano naman? Ba’t mo naman itatago?
“Pag bakla ka ba, criminal ka na? Does it make you less of a person? Less of an artist? Pag bakla ka ba nababawasan ba galing at kakayahan mo sa kung saan man larangan ka nakikipag sapalaran? Mabawasan ba talino mo?
“Just as being straight, does it make you more righteous? Less “sinful”? Ganun ba ‘yon? Natitimbang ba, nababase ba ang bigat ng kasalanan at kakulangan sa pamamagitan ng kasarian?
“Di ko kase talaga gets bakit hanggang ngayon na 2018 na may mga public figure pa rin na nagpapanggap maging lalake, tapos pag naissue, papalag-palag.
“Ano ba binebenta mo? Talent mo o kasarian mo?Ba’t kelangan pa kase nagpapanggap. Ba’t di na lang magkatotoo. Masarap maging totoo sa sarili at sa maraming tao. Mas masarap yung niyayakap ka ng tao kung sino ka talaga.
“THE TRUTH SHALL SET YOU FREE.”
“Magpakatotoo ka.”
Isang psychologist (Bob Valencia) ang hindi sumang-ayon sa post ni Daryl. Rason nito, “Coming out is a process when a person accused you gay accepting it and telling to the people is not like chewing a candy.
“Every LGBTQ has their own story hindi yaan basta basta sinabi mo lang na aminin mona para matapos na ang yung issue e aamin ka?”
Ang huling umamin ng seksuwalidad niya ay ang singer na si Mark Bautista. Nandiyan pa rin naman siya ngayon at kumakanta pa.
Mas madali nga lang husgahan ang showbiz personalities na nagtatago sa dilim dahil lantad sa publiko ang pagkatao nila! Hindi na nga nababawasan eh dumadami pa, huh!
What they owe the public is their performance at hindi ang tunay nilang pagkatao!