Kitang-kita sa aura Dennis alagang-alaga ni Jennylyn

Fit na fit si Dennis Trillo nang magkita kami kahapon sa presscon ng Lakbay2Love, ang pelikula nila ni Solenn Heussaff na showing sa mga sinehan sa February 3.

Mukhang alagang-alaga ni Jennylyn Mercado ang kanyang boyfriend na blooming at inspired ang aura.

Muntik nang si Jennylyn ang maging leading lady ni Dennis sa Lakbay2Love pero hindi natuloy dahil busy siya noon sa maraming bagay.

Perfect choice si Solenn dahil athletic din ito tulad ni Jennylyn, isa sa mga requirement sa bidang babae ng coming soon movie ng lady director na si Ellen Ongkeko-Marfil.

Solenn punung-puno ng pag-ibig

Mali ang pralala na ang Love Is Blind ang unang pelikula ni Solenn Heussaff matapos ang kasal nila ng kanyang mister na si Nico Bolzico.

Mauuna kasi na ipalabas sa mga sinehan ang Lakbay2Love sa February 3 dahil sa February 10 ang playdate ng Love Is Blind na pinagbibidahan ni Solenn at ng ex-boyfriend nito na si Derek Ramsay.

Ang akala kasi ng mga reporter, makakausap nila si Solenn sa presscon ng Love Is Blind pero nauna nang nagpatawag ng presscon ang produ at direktor ng Lakbay2Love.

Parehong may “love” word ang mga coming soon movie ni Solenn kaya punumpuno ng pag-ibig ang kanyang paligid pero hindi totoo na Lakbay2Love is Blind.

Gloc-9 pinangarap noong maging Ariel Rivera

Ang presscon para sa Pareho Tayo ang pinuntahan ko pagkatapos ng press launch ng Lakbay2Love.

Ang Pareho Tayo ang bagong single ng mahusay na rapper na si Gloc-9.

Nakakuwentuhan ko si Gloc-9 bago nagsimula ang presscon para sa Pareho Tayo. Inspiring ang life story ni Gloc-9 dahil maraming pagsubok ang pinagdaanan niya bago natupad ang kanyang pangarap na maging rapper.

Noong hindi pa siya nabibigyan ng break sa local music industry, maging another Ariel Rivera ang dream ni Gloc-9, kesehodang hindi raw kagandahan ang boses niya at hindi bagay sa kanya ang mga “cho­ker” na nakasabit sa leeg ng asawa ni Gelli de Belen.

Pero iba ang plano ni God para kay Gloc-9 dahil imbes na maging balladeer, sumikat siya na rapper. Kinikilala ngayon si Gloc-9 bilang isa sa mga pinakamahusay na rapper sa Pilipinas.

Handog ni Gloc-9 sa kanyang mga taga-hanga ang Pareho Tayo kaya puwede itong i-download ng libre sa kanyang official Soundcloud account, sa soundcloud.com/glocdash9.

Alden hindi nakalimutan ang pagdalo ni Kuya Germs sa kanyang birthday

Dinala kahapon sa Studio 7 ng GMA 7 ang mga labi ni Kuya Germs.

Pumunta ako sa Studio 7 pagkagaling ko sa presscon ni Gloc-9 kaya hindi na ako nag-join sa 6 p.m. mass na dinaluhan ng mga empleyado at artista ng GMA 7 na malaki ang naging bahagi sa buhay ni Kuya Germs.

Hindi naging hadlang ang pagkakaroon ni Kuya Germs ng stroke at paggamit niya ng wheelchair para hindi siya umikot sa GMA 7 compound at umakyat sa 17th floor office ng Kapuso Network. Naging normal pa rin ang activities ni Kuya Germs as in hindi nito ininda ang pagkakaroon ng sakit.

Kita n’yo naman, dumalo pa si Kuya Germs sa New Year Countdown ng GMA 7 sa bayside ng Mall of Asia Arena noong December 31.

Nakiramay na pala si Alden Richards sa naulilang pamilya ni Kuya Germs dahil nagpunta siya sa Our Lady of Mount Carmel Shrine noong Lunes. Hindi makakalimutan ni Alden ang pagdalo ni Kuya Germs sa birthday celebration niya sa Sunday PinaSaya noong January 3.

Show comments