Kapuso stars nagri-repack ng mga relief goods

Pinangunahan nina Christian Bautista, Iya Villania, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Julie Ann San Jose, at iba pang Kapuso stars ang pagri-repack ng mga relief goods para sa mga evacuees na ipadadala ng Kapuso Foundation sa Eastern Samar kung saan unang nag-landfall ang bagyong Ruby. Nananawagan din sila sa mga volunteer na puwedeng tumulong sa pagri-repack ng mga relief goods.

Pero inaming nanood silang dalawa ng sine

Chynna itinangging nagdi-date sila ni Kean

Sina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano na nga ba ngayon? Itinanggi ni Chynna ang tsika nang mag-attend siya ng presscon ng indie film nilang #Y (Hashtag Y) sa ABS-CBN. Nakita raw kasi silang magkasamang nanood ng sine na silang dalawa lamang. Natatawa niyang sagot, wala raw naman sigurong masama kung makitang manood ng sine ang dalawang magkaibigan, isang babae man o isang lalaki ang magkasama. Magkaibigan lang daw sila ni Kean at hindi naman niya itinangging nanood nga sila ng sineng dalawa. Sa ngayon daw kasi, hindi pa niya iniisip na muling magkaroon ng bagong relasyon, parang takot pa raw siya after ng ilang taon na mayroon siyang karelasyon.

Maganda ang role ni Chynna sa #Y at tanging si Elmo Magalona lamang ang nakasama niya, hindi niya nakaeksena sina Coleen Garcia, Sophie Albert, at Kit Thompson, pero thankful siya kay Direk Gino Santos dahil naipakita niya ang mahusay niyang acting dahil may twist ang kanyang character na nagpabago sa story ni Miles (Elmo). Ang movie ang last sa 20th anniversary presentation ng Star Cinema this year na ipalalabas simula sa December 10 bago ang Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December 25.

Camille sasamahan ang BF sa Amerika sa Pasko!

Nag-enjoy sina Camille Prats at Suzy Entrata sa last taping day nila ng Mars bago ang kanilang Christmas break. Special guests kasi nila sina RJ Padilla, Kyrstal Reyes, at comedian Chubbylita. Masaya ang mga topic na pag-uusapan nila, ang mga pamahiin sa pagbibigay ng regalo ngayong Pasko. May guest din silang Feng Shui expert na pabubulaanan naman ang mga pamahiing iyon.

Samantala, ready na si Camille sa three-week Christmas vacation nila ng anak na si Nathan and her family sa Los Angeles, California. Doon sila sa boyfriend niyang si VJ na naka-base sa L.A. Natanong nga pala namin si Camille kung kasama nilang magbabakasyon ang actress na si Isabel Oli, her kuya John’s girlfriend. Hindi raw, kasi kasama namang magbabakasyon ni Isabel ang kanyang family. As to the question kung tuloy ba ang paglipat ng Kuya John niya sa GMA Network, hindi pa raw niya alam dahil hindi sila nagkakausap lately ng kanyang kuya. Bukod kasi sa Mars, nagti-taping din kasi siya ng Second Chances na early January, 2015 ang airing directed by Laurice Guillen. Nagpasalamat siya na ilang weeks na rin ang nai-taping nila kaya libre siyang magbakasyon ngayon.

Show comments