MANILA, Philippines - Muling madadagdagan ang mga pangarap na matutupad ngayong weekend (Nov. 15 and 16) sa top-rating at Twitter-trending na The Voice of the Philippines sa pagpapatuloy ng blind auditions nito kung saan kasama ang isang babaeng barker at isang dalagang sumikat dahil sa video niyang kumakanta sa videoke online.
Tutungo sa iba’t ibang lugar sa bansa si Luis Manzano, at kabilang sa mga aabutan niya ng imbitasyon na mag-audition ang magkapatid na babaeng artists mula Bohol. Makapasok kaya silang dalawa?
Magbibigay-inspirasyon din ang isang anak ng pastor na napariwara ngunit nagbalik-loob sa Diyos nang mamatay ang kanyang kapatid, isang radio personality mula sa Guam na magpapabilib sa kanyang rendition ng One Last Cry, at ang isang babaeng artist na naging instant Internet celebrity matapos maging viral ang video ng pagkanta niya ng Let It Go sa videoke.
Hindi magpapahuli ang college student mula New York at isang barker na pipiliting kilitiin ang coaches sa pag-awit niya ng Kiliti, pati na ang isang performer na pamangkin ni Hajji Alejandro, at dating miyembro ng isang popular na rock band. Ano nga kaya ang dahilan ng mga sikat na singers sa kanilang pagsali sa “The Voice”?
Sa ngayon, nakuha na ng Team Apl sina Bradley Holmes, Jannet Cadayona, at Mark Cando; sa Team Sarah naman sina Daniel Ombao, Demie Fresco, Jason Dy, Kokoi Baldo, Monique Lualhati, at Vanessa Monot; sa Team Bamboo sina Dang del Rosario, Kai Honasan, Karlo Mojica, Rence Rapanot, at Tanya Diaz, at sa Team Lea naman sina Jem Cubil, Leah Patricio, Miro Valera, at Timothy Pavino. Kaninong boses ang susunod na pag-aagawan ng coaches?
Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng blind auditions sa top-rating at Twitter-trending na The Voice of the Philippines ngayong Sabado (Nov. 15), 8:45 p.m. at Linggo (Nov. 16), 8:30 p.m. sa ABS-CBN.