Gawa raw ni Raymart: Claudine todo pakita sa mga paso ng sigarilyo at pasa

MANILA, Philippines - May pictorial talaga with matching tears si Claudine Barretto na ipinakita ang kanyang mga pasa na ipinalabas sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras nu’ng Biyernes ng gabi. Ayon sa website ng GMA, hindi naman sinabi ng aktres kung kanino galing ang mga pasa na ‘yon na ayon pa sa report, ilan doon ay paso ng sigarilyo.

Hindi naman daw nagpahayag ng reaksyon ang kampo ni Raymart. Magsasalita na lang daw sila kapag isinangkot ang kliyente nila.

Matapos maglabasan ang mga pictures na “one happy family”, inaalam siyempre ng nakapanood kung ano ang motibo ni Claudine sa inilabas na pictorial/video na ‘yon.  Parang anti-climactic matapos nilang ibalandra sa publiko ang diumano’y pagkakasundo nilang mag-asawa, huh!

Kung dati-rati ay very open siya sa pagtuligsa noon sa dating asawa, this time, nabusalan ang bibig ni Clau sa pasa-pasa na ‘yon na not very Claudine, huh!

Kasama ang anak, Angelu naaksidente!

Nabangga ng isang trak ang likod ng van na sinasakyan ni Angelu de Leon nu’ng Biyernes ng umaga habang bumibiyahe siya papuntang Liliw, Laguna para sa taping ng Niño ayon sa impormasyon ibinigay sa amin ng GMA Corporate Communications nu’ng Biyernes ng gabi.

Bukod kay Angelu, nakasakay din sa van ang anak niyang si Rafa, dalawang yaya at driver. Wala naman daw nasaktan sa nangyaring aksidente.

Sa kabila nito, pinairal pa rin ng aktres ang pagiging propesyonal at dumiretso pa rin siya sa taping ng programa.

Mane wala nang paki kay Janno kahit laging late sa taping

Hindi na isyu kay Manilyn Reynes kung dumating man nang late o hindi si Janno Gibbs tuwing taping nila ng My BFF.  Maaga kasing kinukunan ang eksena ng aktres at minsan, lunchtime ang call time ng dating ka-love team.

“Madalas kasi, early ‘yung call ko eh. Siguro, habang may ginagawa ako, hindi ko na nararamdaman ‘yung lumilipas na ang oras.

“Pero ‘yung…Ang alam ko naman din, hindi kami pareho ng call time. So I think, walang problema doon kung much later ang kanyang call eh,” katwiran ni Mane nang bisitahin ng press sa taping.

Ikinatutuwa naman ni Mane na kahit may mga moments na late ang dating ni Janno sa set, nakaka-deliver naman ito at lalo niyang napansin ang pagkakaroon nito ng lalim bilang aktor na malayung-malayo sa pakyut moments nila nu’ng bata pa sila.

Bukod sa daily show, meron pa siyang Pepito Manaloto at Sunday All Stars. Eh, mula Sunday, nalipat ang sitcom nila ni Michael V ng Sabado. Hindi ba siya umalma gayung mataas ang ratings nila pag Linggo?

“Ahhh, alam mo,  pagka…’Pag management ang may gusto, ang hirap naman din na ikaw pa ‘yung magsasalita.

“Kung ano ang desisyon,   okey lang naman at okey din kami, ‘di ba?” rason ng singer-actress.”

Well compensated ba naman siya ngayon dahil mas pinili niya ang Kapuso kesa Kapamilya network?

“Masaya po ako! Masaya po ako!” matipid na tugon ni Manilyn.

AiAi tapos na ang pagsisid

Malaya na si AiAi delas Alas.  Nagwakas na ang ngaragan niyang taping ng Dyesebel nu’ng Huwebes.

Party-party siyempre with the cast ang naganap last Friday bilang magkakanya-kanya na sila ng landas.

Binigyan ni Zsa Zsa Padilla ng pa-last day gift si AiAi. “You are appreciated!” nakasulat sa card ng singer-actress.

Mensahe naman ni AiAi sa post niya sa kanyang Instagram, “I will miss this great show…Team Dyesebel to all the cast staff crew writers congratulations…Mahirap na show pero napakasaya..

“Sabi ko nga in my 25 years in show business isa ito sa napakasayang set at napakagaan. Mabuhay ka baby girl Anne Curtis…”

Tapos na nga ang literal na pagsisid ni Ai and she’s back to reality! Una na riyan ang Macho Guwapita nila ni Rico J. Puno sa July 26 sa Solaire Casino at ang gala night ng indie movie niya sa Cinemalaya sa August 3 sa CCP.

Show comments