Sen. Chiz batam-bata ang hitsura, hindi nalalayo sa edad ni Heart

Sabi ng iba, kapag higit na may edad ang boyfriend o husband, madaling tumatanda ang itsura ng girl.

Ano kaya ang sikreto ni Sen. Chiz Escudero na higit na nagmumukhang bata? Maganda at fresh si Heart Evangelista, habang tumatagal ang kanilang relasyon.

Para kay Heart, mahal na mahal nila ang isa’t isa at walang pressure ang kanilang love affair. They don’t even talk about marriage. Kaya hanggang nga­yon, hindi pa engaged ang aktres.

Nakapagtataka na siya ang napiling host ng TV wedding directed by Marnie Manicad, wife of broad­caster Jiggy Manicad. Para sa direktora, si Heart ang perfect host. Lagi siyang handang-handa sa set, kaya madali at magaan ang kanilang trabaho.

“Never siyang naging maarte tuwing taping,” dagdag ni Marnie. “One or two takes okay agad.”

Obra ni Lino Brocka, pinapalakpakan pa rin sa ibang bansa

Ipinalalabas sa Museum of Modern Arts sa New York City ang Maynila sa mga Kuko ng Liwanag, hanggang Feb.12. Hanggang ngayon, umaani ng mga papuri ang obra ng national Artist for Film na si Lino Brocka.

Ang Maynila ang naglunsad sa acting career ni Bembol Roco. Baguhan din si Hilda Koronel nang maging katambal niya rito.

First record album ni Tom kasama si Dennis, naka-Gold na!

Nag-release pala ng album ang magkatambal na sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez, titled TomDen. Certified precious metal na ang CD at tumanggap na ng Gold Record award ang pareha.

Ano kaya ang naging hit single sa album? So far, hindi pa nai-plug sa radio.

Si Dennis dati nang recording artist at nakapaglabas na siya ng album at mga singles. Si Tom, first attempt niya na mag-recording ng “hit” CD.

Pamamaalam ni Jay Leno, tuluy na tuloy

Natuloy na ang pagpapaalam bilang host ng Tonight Show si Jay Leno sa second farewell edition ng top rated late-night show. Noong 1992, pinalitan niya ang original host na si Johnny Carson, after 30 years of the comedy-variety program.

Mahigit na two decades na si Leno sa Tonight Show at siya’y papalitan ni Jimmy Fallon on Feb. 17. Kabilang sa mga guests ni Leno sa kanyang last show sina Billy Crystal, Oprah Winfrey, Carol Burnett, at Kim Kardashian.

TV host may phobia sa mga bading

Isang TV host ang tumatanggi sa mga guest na beki. Kung meron mang kasali sa kanilang show na kafatid, dapat hindi siya ang mag-interview o makasama sa portion ng baklesh. Ang chika, may phobia ang artista sa mga kafatid, simula nang ma-anaconda ng bading ang kanyang boyfriend.

Ganting pasaring naman ng beki, may phobia rin naman tayong mga ka-tribo sa mga katulad niya.

MMFF, pinagnakawan pa!

Nakakahabag naman ang movie industry. Halos sisinghap-singhap na nga, pati ang share ng industriya sa Metro Manila Film Festival, na-scam pa.

Tila walang awa ang mga nangurakot ng pera na sana’y nakatulong sa Film Academy of the Philippines at Mowelfund.

Ang tinuturong posibleng salarin, mula sa nakaraang pamunuan ng Me­t­­ropolitan Manila Development Authority (MMDA) na siyang nanganga­siwa ng filmfest every year.

Maraming dahilan kung bakit ayaw pang ibalik sa movie industry ang big-earning film fiesta.

Mansiyon ni Joel Cruz sa Baguio nakakasira sa mga tanawin

Pati ang matagal nang may mga bahay sa Baguio (residence or vacation house) nagpoprotesta sa four-storey mansion ni Joel Cruz, na itinayo sa Camp John Hay. Malamang na makaladkad sa isang court case si Joel, sa rami nang bumabatikos sa OA na bahay, ang sabi nila ay out-of-place sa magagandang tanawin sa dating American base.

Show comments