Kung sino man ang naniniwala na kailangan pang magmakaawa si Wally Bayola sa publiko para patawarin siya bago siya makabalik sa kanyang career, aba eh kailangang mag-isip. Palagay nga namin masyadong matagal na ang pagdurusa ni Wally dahil sa nangyaring iyon. Kung iisipin, si Wally ay biktima rin ng pangyayaring iyon, aba, sobra na nga ang nangyari sa kanya. Kahit na si Hayden Kho, Jr. na gumawa nang hindi lamang isa kundi isang serye ng mga sex video ay napatawad o nakalimutan na ng mga tao. At ganoon din naman si Chito Miranda. Si Wally pa kaya?
Nakita ninyo ang sinabi ni Jose Manalo. Doon sa isang show nila, nag-apologize si Wally sa mga nanonood at sinagot naman siya ng publiko ng isang malakas na palakpakan. Palagay namin ganyan din naman ang mangyayari sa kanyang pagbabalik sa telebisyon.
Kung ilang buwan na rin namang nawalan ng hanapbuhay si Wally. Hindi lang siya ang nagbayad sa kanyang minsang pagkakamali, parang naparusahan pati ang buong pamilya niya. Kung iisipin na may anak pa siyang may sakit, napakalupit naman ng mga nagsasabing hindi na dapat pabalikin si Wally.
Nagkamali siya, inamin niya. Bakit sa palagay ba ninyo mas mahalay pa iyon sa video ng mga government official na nag-aaway habang nagugutom ang taong bayan?
Iyong kasalanan ni Wally ay pribado. Kasalanan niya iyon sa pamilya niya. Ni hindi niya kasalanan sa babae na obviously ay pumayag naman, at nasa tamang isip naman. Nagkataon lang na ang pribadong video na iyan ay ikinalat sa publiko, kaya naging isang public issue. Ang habulin ninyo, iyong gunggong na nagkalat ng nasabing video, dahil iyon ang bastos. Bakit kailangang ikalat ang ganoong klase ng video? Ang mas may kasalanan ay iyong nag-download pa at nagpasa sa iba, at iyong mga nagkopyahan pa sa kanilang mga cell phone. Ang mga mambobosong iyon ang mas mahalay!
Richard inaayos na ang nawasak na bahay sa Ormoc
Tingnan ninyo si Richard Gomez, ang inaasikaso na niya ngayon ay ang pagpapagawa ng kanilang tahanan sa Ormoc, Leyte na sinira rin ng bagyo. Nakakagawa na siyang muli ng mga serye sa telebisyon. May sisimulan na rin naman daw siyang pelikula. Maaasikaso na niya ang kumita ng pera sa isang disenteng paraan.
Kung nanalo pa siya sa eleksiyon at naging isang government official, baka hanggang ngayon ay lubog pa rin siya sa problema dahil ang lugar nila ay matinÂding sinalanta ng bagyo. Nakatulong na siya sa mga mamamayan ng Ormoc kahit na hindi siya isang opisyal ng kanilang bayan, kaya ngayon naman ay ang pamilya niya ang kanyang inaasikaso.
At dahil sa sama ng image ng mga opisyal ng gobyerno ngayon dahil sa trahedyang iyon, blessing in disguise pa ngang hindi siya nanalo.
Aktres naghahanap ng mauutangan, aktor nagbebenta na ng mga kasangkapan dahil sa casino
Maliban sa aming kaibigang si Alfie Lorenzo na napakasuwerte sa sugal at doon sa mga nakakatanggap ng “social fund†mula sa PAGCOR, sasabihin na namin sa inyong walang nananalo sa casino.
Kaya hindi kami magtataka kung bakit naghahanap na naman ng mauutangan ang isang aktres, at sinasabing nagbebenta na ng mga kasangkapan ang isang aktor, parehong dahil sa casino. Naghihirap na sila dahil sa sugal. Wala talagang kapupuntahan ’yan.