MANILA, Philippines - Mabuti na lang umabot pa si Bulacan Vice Gov. Daniel Fernando sa pinasukan niyang serye na Muling Buksan ang Puso. Almost three months ding umarte ito, nag-taping, pero ngayon pa lang huling linggo nakapasok ang character ng actor-politician. Ang masakit pa, kaeentra pa lang niya ay binitbit kaagad palabas sa eksenang nasa party ni Julia Montes.
Sa istorya kasi ay napreskuhan sa kanyang pagbibiro si Enrique Gil. Alam kasi ni Daniel ang mga sikreto nina Agot Isidro at Cherrie Gil.
Maraming nanghinayang at nabitin daw sila sa TV exposure ng vice governor sa kanyang pag-appear sa serye ni Julia. Parang inaapi tuloy ang aktor.
“Hindi naman pahabaan ng role ang target ko. Basta markado,†pagtatanggol ni Daniel sa karakter noong bisitahin namin sa Kapitolyo ng Malolos, Bulacan.
Sa totoo lang, busy ang bise gobernador sa kanyang trabaho sa kanilang Municipal Hall. Hindi lang matanggihan ang magagandang papel na alok sa kanya.
Gerald nag-suffer ang career kay Maja
Mabuti na lang may ipapalabas na movie project si Gerald Anderson kahit wala pang TV series. Tumamlay kasi ang career ng aktor magbuhat noong ma-link kay Maja Salvador.
Eh talagang magsa-suffer ang career niya kapag si Maja lang ang inaatupag. Walang aktor na suwerte na sa pag-ibig, suwerte pa sa career. Walang ganun!