Balik-eskuwela ang 2010 Miss Universe 4th runner-up na si Venus Raj at nag-enrol na siya sa kursong community development sa University of the Philippines in Diliman, Quezon City.
Nakatapos naman si Venus sa Bicol University in Albay sa kursong communication arts. Ngayon ay gusto niya ulit na madagdagan ang kanyang kaalaman.
“2009 pa ako naka-graduate ng college at I feel na kailangan kong mag-aral pa ulit.
“May kinalaman kasi sa sinamahan kong foundation na Care for Children ang pagkuha ko ng kursong community development.
“Marami kasi kaming mga tinutulungang mga bata ngayon sa iba’t ibang lugar. Kami ang nagsu-supply ng mga gamit nila sa school.
“Gusto rin naming tulungan ang mga batang gustong mag-aral pero wala silang kakayanan na matustusan ang sarili nila.
“Kaya marami kaming kailangang ayusin at pag-aralan para mas maging epektibo ang pagtulong namin sa mga bata,†pahayag ni Venus.
Malaking bagay sa kanya ang makatulong sa mga kabataan na mag-aral dahil siya mismo ay tinulungan para makapagtapos ng pag-aaral ng kolehiyo.
“Hindi ko kinakahiya na galing ako sa ganyan. May tumulong sa akin para makapagtapos ako. Kaya sa pagkakataong ito I am paying it forward.
“Alam ko ang hirap ng mga pinagdaraanan ng mga batang gustong makatapos ng pag-aaral. Kaya nandito ang Care for Children para kahit paano ay makatulong kami na matupad ang mga pangarap nila sa buhay,†ngiti pa niya.
Kasalukuyang tinatapos din ni Venus ang shooting ng modern-day indie version ng Florante at Laura ni Francisco Baltazar. Makakasama niya rito sina Ervic Vijandre, Teejay Marquez, at Ynez Veneracion. Mula ito sa direksiyon ni Chris Pablo.
Ito ang second movie ni Venus after ng horror film na Pridyider na ginawa niya sa Regal Entertainment, Inc. last year.
“Compared naman sa Pridyider, mas malaman ang role ko rito sa Florante at Laura. Dun kasi babaeng bakla lang ako ’tapos gulat-gulatan ang acting. Dito sa Florante at Laura ako ang gaganap na Laura at malalalim ang mga dialogue namin rito in Tagalog.
“Kahit na modern setting siya, kung ano ang pagkakasulat ni Francisco Baltazar, ’yun ang ginagamit namin.
“Kaya super memorize ako rito. Mabuti na lang at magaling tayo sa Tagalog kaya medyo madali lang. Mahahaba lang siya pero kaya naman natin,†kuwento ng beauty queen.
Isang dahilan kung bakit tinanggap ito ni Venus ay dahil ipapalabas ito sa mga public school para mapanood ng maraming kabataan at maintindihan nila ang kuwento ng Florante at Laura.
“May cultural relevance ang project na ito kaya tinanggap namin ng manager kong si Jonas Gaffud. Gusto naming mas ma-appreciate ito ng mga kabataan ngayon, lalo na sa mga hindi na nakakaalam ng istorya ng Florante at Laura.
“Para ito sa bawat estudyanteng Pinoy na dapat ay ipinagmamalaki natin ang sarili nating lengguwahe.
“Huwag nating pabayaang mawala ang kultura natin, lalo na ang mga tulad ng mga istorya ng Florante at Laura,†paalala pa ni Venus.
Barbie nagulat sa paglipat ni Joshua
Marami ang nakapanood sa paglabas ng Kapuso tween actor na si Joshua Dionisio nang lumabas na ito sa primetime series ng ABS-CBN na Apoy sa Dagat na bida sina Piolo Pascual at Angelica Panganiban.
Dati nang talent ng Dos si Joshua, pero mas nakilala siya noong itambal siya kay Barbie Forteza sa bakuran ng GMA 7 via Stairway to Heaven.
Ayon kay Barbie, matagal na silang hindi nagkakausap ni Joshua kaya wala siyang alam sa balak nitong bumalik sa dati niyang home studio.
“The last time po na nagkausap kami ay noong magkaroon ng event ang UniSilver. Kami po kasi nina Julie Ann San Jose, Bea Binene, Derrick Monasterio, Enzo Pineda, at si Josh nga po ang endorser ng UniSilver Time. That was noong February pa.
“’Yun po ang last time na magkita at magkausap kami ni Josh,†sabi ni Barbie.
Nagulat si Barbie nang may magsabi sa kanya na bumalik na si Joshua sa Dos at lumabas na ito sa Apoy sa Dagat.
Sa pagkakaalam kasi ni Barbie ay kaya nag-lie low muna sa showbiz si Joshua ay dahil gusto na nitong tapusin ang kanyang pag-aaral sa high school.
“’Yun nga rin po ang lagi niyang nirarason sa amin noon. Gusto na raw niyang makatapos ng high school dahil yung mga classmates nga raw niya ay nasa college na. Napag-iiwanan na siya.
“Naintindihan naman namin iyon at wala namang masama sa gusto niya. Pero ’yung bumalik siya sa pinanggalingan niyang network wala naman siyang nababanggit.
“Kung anuman ang desisyon ni Josh, siguro naman ay pinag-isipan nilang mabuti iyon,†sabi ni Barbie na katambal na ngayon si Derrick Monasterio sa Anna KareNina.