MANILA, Philippines - Iimbestigahan ni Gus Abelgas ang pagpatay sa isang pulis sa Laguna kung saan isang dating mayor at ang anak nitong vice mayor ang itinuturong utak ng krimen ngayong Sabado (March 9) sa SOCO.
Sinagi ang sinasakyang bisekleta ni SPO3 Francisco “Gary†Garcia ng isang kotse at nang patayo na sana siya nang bigla itong binaril ng isang ’di kilalang lalaki sa kanyang likuran. Kasunod nito ay dali-dali nang umalis ang kotse lulan ang lalaki. Animo’y isang vehicular accident lang ito sa una, ngunit lumabas sa imbestigasyon na may pitong tama ng baril ang biktima.
Dumalaw pa sa burol ni SPO3 Garcia ang dating mayor at vice mayor ng Mabitac, Laguna na sina Felix Carpio at Judeo Carpio. Kinilabutan at nagkakutob ang misis ng biktima nang makita ang dalawa ngunit walang pinanghahawakang ebidensiya upang idiin sila.
Hanggang sa lumutang ang isang piping testigo na itinuturong mastermind sa krimen ang mag-amang Carpio at kasabwat dito ang dating pulis na bodyguard na si Jose Era na siya nagsilbing gunman.
Isang testigo pa ang sumulpot na siyang nagpatunay na ang mag-ama at si Era nga ang responsable sa krimen.
Mapanagot kaya ang mga itinuturong suspek sa krimen?
Tutukan ang ulat ni Gus sa SOCO: Scene of the Crime Operatives ngayong Sabado (March 9) pagkatapos ng Showbiz Inside Report sa ABS-CBN.