Derek bilib kay John Lloyd, masaya para kay Angelica!

MANILA, Philippines - Isa sa inaabangan na magre-react sa ginawang pag-amin ng new lovers na sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban ay si Derek Ramsay. Matatandaang inakala ng lahat na sa simbahan na mauuwi ang anim na taong relasyon nina Derek at Angelica pero ikinagulat na nauwi rin ito sa hiwalayan. Pero makalipas lamang ng ilang buwan ay heto at may kanya-kanya na silang panibagong pag-ibig.

“I’m not having a relationship ’cause they have a relationship. But I am happy with the way my life is turning out. Like what I said, napaka-blessed ko sa career ko. With my love life, ’wag na nating ipagsabay ’yun,” pahayag ng guwapong hunk actor nang hingan siya ng reaksiyon.

Pinanindigan din ni Derek na masaya siya para sa dating kasintahan at sa bagong boyfriend nito. Wala siyang bitterness na nararamdaman.

 “Though you know it’s out already in the open, that’s good for them. It’s good that they have a healthy relationship na they’re willing to share with everybody, and I’m very happy for them,” sabi pa ni Derek.

Pagkukuwento pa nito, sa kabila ng pagiging busy niya sa kanyang career sa TV5 ay may panahon pa rin naman siya sa kanyang sariling love life.

Gusto rin niyang linawin na hindi siya pumasok sa isang relasyon dahil ang kanyang ex-girlfriend ay kasalukuyang may bagong pag-ibig.

“Yeah, I’m happy with my love life. Baka sabihin na nag-aano pa ako,” sabi ni Derek.

“May nakita yata ako sa TV nung isang araw na sabi nila, ‘Si Derek, nagkukunwari lang na may ka-love interest kasi meron sila (Angelica and John Lloyd).’ No, that’s not true.”

 Dagdag pa niya, very happy siya talaga sa dalawa.

“I hope that things really work out for them and it’s healthy to see that they’re out in the open already. Mahirap ’yun kung hindi pa sila komportable na ilabas sa mga tao,” sambit pa ng actor-TV host.  

Boto rin siya sa bagong boyfriend ng kanyang ex-girlfriend.

“I know John Lloyd. I’ve met John Lloyd and he’s been good to me. And I have nothing against the guy. He’s a great actor who, again, I admire. Sinabi ko ’yan since day one nung nakatrabaho ko siya sa One More Chance.

“So, I don’t know why everyone says na… or trying to make gulo sa relationship namin.

“Hindi kami ’yung close na kaibigan pero kilala ko siya and maganda ’yung ipinakita niya sa akin. So, I have nothing against the guy. He’s a good guy,” diin pa ni Derek.                                                         

                                                                                

                                                                        

Show comments