Rizal Park chessfest susulong ngayon

MANILA, Philippines - Sasabak na ang mga pangunahing non-master chess players ng bansa sa gaganaping Rizal Park Chess Foundation non-master chess championship na itinataguyod ng Spartan Mining ngayong araw (Sabado, Agosto 11) sa Rizal Park Chess Plaza.

Higit 40 chess players ang inaasahang lalahok sa naturang kumpetisyon na itinataguyod ng RIPACHEF sa pakikipagtulungan ng Spartan Mining Corporation.

Sina National Chess Federation of the Philippines (NCFP) president/chairman Prospero “Butch” Pichay at Spartan Mi­ning Corp. president Louie Ramos ang magsusulong ng ceremonial moves sa 10 a.m. opening ceremony.

Cash prizes at trophies ang naghihintay sa mga top finishers ng naturang kumpetisyon, na kung saan ang magka-kampeon ay tatanggap ng   P5,000.

Ang runner-up at ang third player ay mag-uuwi naman ng P4,000 and P3,000, ayon sa pagkasunod.

Ang registration fee ay P250. Ang registration ay first-come, first-served basis.   

Para sa registration at iba pang katanungan, makipag-ugnayan kina IM Chito Garma sa cell.   0926-1704962 at   Eugene Transfiero sa cell. 0920-4171597.

Show comments