UV vs Sacred Heart sa Under 16 crown

BAGUIO CITY, Philippines --Itinakda ng University of Visayas at Sacred Heart of Jesus Montessori ang kanilang titular showdown para sa SBP National Under-16 Basketball Championship nitong Biyernes matapos manalo sa kani-kanilang kalaban sa University of Baguio Gym.

Pinatalsik ng UV Baby Lancers ang University of Sto. Tomas, 93-87 at sinibak ng Sacred Heart of Jesus ang St. Jonh Institute, 120-116 sa punong-punong sellout crowd sa UB gym, na kinabibilangan nina UB president Johann Ben Bautista, SBP regional director Christian Bautista, at dating Mayor Reinaldo “Peter Rey” Bautista.

Samantala, kapwa naman umaasa ang UST at St. John na mapasakamay ang konsolasyong ikatlong puwesto sa kanilang paghaharap sa alas-2:30 ng hapon para sa third place.

Magtitipan ang Sacred Heart of Jesus Montessori at UV sa alas-4 para sa korona sa torneong ito na presinta ng Summit Mi­ne­ral Water at suportado ng Energen Nutrition Milk and Cereal, Philex Mining, Molten at ng MVP Sports Foundation.

Bumandera sa UV si Andres Paul Desiderio na may 36 puntos, tampok rito ang krusyal na limang puntos sa huling bahagi ng laro.

Humatak rin si Desi­derio ng walong rebounds para sa panalo ng UV.

Show comments