Team Phl mahihirapan sa 3rd overall sa SEAG

Jakarta — Dahil sa ina­asahang panalo ng Malaysia, Singapore at Vietnam sa ilang sports events, ma­hihirapan na ang Team Phi­lippines na maangkin ang ikatlong posisyon sa over­all standings ng 26th Southeast Asian Games di­to.

Sinabi ni PSC chairman Ri­chie Garcia na maaaring ma­nalo ang mga National athletes ng 70 gold me­dals, doble sa naiuwi ng de­legasyon sa Laos SEA Ga­mes noong 2009.

Subalit hindi pa rin ito sa­sapat para makuha ng Team Phl ang third place.

Ang overall championship at runner-up place ay isi­nuko na sa host Indonesia at nagdedepensang Thai­land.

Kaya ang labanan para sa third place overall ay pag-aagawan ng Pilipinas, Ma­laysia, Singapore at Viet­nam.

Kabuuang 545 gold me­dals sa 42 sports disciplines ang nakataya sa 2011 SEA Games.

Inaasahang mangu­ngu­na ang Indonesia sa ca­noeing (15 golds), rowing (11), wrestling (14), weightlifting (14) at archery (4) bu­kod pa sa kanilang home court advantage sa mga ba­gong sports na vovinam (16 golds), paragliding (12), sport climbing (10), bridge (9) at water ski (11).

Malakas naman ang Thailand sa athletics, fen­cing, men’s at women’s golf, shooting, swimming, bo­xing, gymnastics, snoo­ker, sailing, lawn tennis, soft ten­nis at volleyball.

Sa bowling, diving, ath­le­tics, swimming, sepak tak­raw at cycling maaaring manalo ang Malaysia, ha­bang kinatatakutan ang Viet­nam sa football, volley­ball, finswimming, chess at sa lahat ng martial arts events.

May pantapat rin ang Singapore sa Ma­laysia at Vietnam.

Samantala, li­mang gintong medalya ang pipiliting ku­nin ngayon ng mga Filipino canoe/kayak athletes.

Show comments