Corona Guest of Honor sa PBAPC Annual Awards

MANILA, Philippines - Si Supreme Court Chief Justice Renato C. Corona ang magiging Guest of Ho­nor at Speaker para sa 2011 PBA Press Corps Awards sa Setyembre 30 sa Topaz Room ng Gateway Suites sa Cubao, Quezon City.

Pangungunahan ni Co­rona, nanood sa nakaraang NBA Ultimate All-Stars event sa Smart-Araneta Coliseum, ang listahan ng iba pang VIP guests na kinabibilangan nina PBA commissioner Chito Salud, current chairman Mert Mondragon ng Rain or Shine, immediate past chair Rene Pardo ng B-Meg at ilan pang top past at present PBA officials.

Makakasama nila ang PBA Press Corps sa paggawad ng karangalan sa mga players at officials na gumawa ng ingay sa nakaraang 36th PBA season.

Magiging tampok sa awarding ang pagbibigay ng Virgilio “Baby” Dalupan Trophy at ng Danny Floro Trophy sa magiging Coach of the Year at Executive of the Year, ayon sa pagkaka­sunod.

Sina Talk N Text coach Chot Reyes at team owner Manny V. Pangilinan ang nangunguna para sa naturang karangalan sa event na inihahandog ng San Miguel Corporation, Smart Sports and Powerade.

Show comments