Marcial lalaban sa gold vs Onat

ASTANA, Kazakhstan-- Umiskor ng malaking panalo si light bantamweight Eumir Felix Marcial para pu­masok sa gold medal round ng AIBA Junior World Boxing Championship dito sa Kazakhstan Sports Pala­ce.

Pinabagsak ng 15-an­yos na pambato ng Zamboanga si Vaha Eduard ng Belarus sa opening round ng kanilang semifinal encounter sa men’s 52-kilogram division.

Nakatiyak na ng silver medal, pipilitin ni Marcial na makuha ang gold medal sa kanilang laban ni Cengiz Onat ng Turkey.

Hangad rin ni Marcial na maging kauna-unahang Filipino na nakakuha ng gintong medalya sa nasabing event matapos ilunsad no­ong 2001.

Binigo naman ni Onat si Sang Myeong Hang ng Korea, 17-10, sa semis.

Pinabagsak ni Marcial si Eduard mula sa isang right hook patungo sa kanyang tagumpay.

Nakabangon pa si Eduard matapos ang mandatory eight count bago pinigil ng referee ang laban sa 1:22 mark.

Sa 48 bansang lumahok sa nasabing major event, 15 rito ang nakapagpapasok ng kanilang mga boksingero sa finals.

Sa 15 bansa, 12 figh­ters ay galing sa Asya, ha­bang ang 12 ay mula sa Europe.

Show comments