Bagitong netters nanalasa sa Baguio

MANILA, Philippines - Agad gumawa ng ingay sina newcomers Andre Brillantes at Rhoderick Cuison sa opening day ng 10th leg ng Smart presents HEAD Junior Tennis Satellite Circuit 2011 age-group natio­nal tour nang humataw ng magkahiwalay na panalo kahapon sa Baguio City Tennis Club.

Ilan lamang sina Brillantes at Cuison na nagbabalak pigilan ang ratsada ng mga naunang leg winners na sina Rogelio Estanio, Jr. at Juan Paolo Cansino sa boys’ 18-under class dito sa Summer Capital ng bansa.

Naungusan ni Brillantes si Bjron Pinto, 10-9, upang umentra sa quarterfinal phase kaharap si Estanio, Jr., samantalang pinulbos ni Cuison si Bret Esquillo, 10-2, upang umabante rin sa quarterfinals ng event na suportado ng Chris Sports, Meralco, Maynilad.

Show comments