Colt 45 Race of Champion dinomina ni Roman

MANILA, Philippines -  Tinangay ni underbone star Anthony Roman ang da­lawang korona sa pagsisimula sa unang Colt 45 Motorcycle Race of Champions sa Marikina City Hall grounds.

Sakay ng kanyang underbone Crypton Z bike, Dinomina ni Roman ang 115 Open at 150 four-stroke division sa 600-metrong ruta na dinisenyo ni Superbikes champion Maico Buncio.

Pinangunahan ni Roman ang dalawang karera sa 150 open four-stroke sa naitakbong 50 points kasunod ang parehong 40 points nina Alvin Oribiana at Benjo Mendoza.

Kung naging magaang ang panalo ni Roman sa 150 open four-stroke, nahirapan naman siya kay Marcko Delaganzo 115 open races.

Si Delaganzo ang nagbida sa opening heat, ngunit napasakamay naman ni Roman tiebreak, habang pumangatlo si Reggie Adia.

Ang Marikina race ay una sa anim na leg na itinataguyod ng Colt 45, na

ipinahahayag ang kanilang pagnanais sa isang responsableng pagmamaneho, ayon kay Colt 45 brand manager Joseph Consul.

Ang iba pang karera ngayong taon ay ang Cabanatuan City leg mula Hunyo 25-26, Cagayan De Oro City simula Aug 6-7 at Cebu City sa October 15-16. Ang National Championship ay isasagawa sa Dec. 17 to 18 sa Quirino Grand Stand sa Manila.

Ang dalawang araw na event ay isinasagawa sa pakikipagtulungan ng TwoWheel Enthusiasts Network, Inc., publisher ng MotorCycle Magazine at Power Wheels at AirPhil Express, ang event Official Carrier.

Show comments