Muling pagsilang ng motocross

MANILA, Philippines - Sa likod ng SEL-J Sports, Inc., isang le­gitimate sporting organization na kinikilala ng Philippine Sports Commission (PSC), inaasahang muling eeksena ang mo­tocross sa bansa.

Inilunsad noong 2009 ng isang natio­nal pharmaceutical company na SEL-J Pharma Corporation, ang SEL-J Sports, Inc. ay isang programa na naglalayong bigyan ng kaalaman ang kanilang mga ka­wani.

Ang SEL-J Pharma ay isang importer ng drugs at medicines.

Kabilang sa mga ibinabandera ng SEL-J Pharma ay ang mga top players at icons na sina motocross poster boy Glenn Aguilar, si legendary Jovie Saulog at si 2009 Golden Wheel Awardee Donark Yuzon.

 Ang organisasyon ay pinamumunuan ng pa­ngulo nitong si Jay Lacnit.

Kasalukuyang abala ang SEL-J Sports para sa first leg ng 2011 Enersel Forte World Motocross Series sa Sta. Barba­ra, Iloilo City na tinaguriang “Giyera ng Bi­sik­leta sa Sta. Barbara.”

Ang motocross series ay ilulunsad sa isang national press conference sa Abril 8 sa Hotel Rembrandt sa Quezon City.

Show comments