Cuello tinalo si Chaiyong via ninth-round TKO

MANILA, Philippines - Hindi hinayaan ni Denver Cuello na masira ang ma­taas na ekspektasyon sa kanya nang kunin ang ninth-round TKO win laban kay Thai challenger Samat Chaiyong noong Sabado ng gabi sa Yñares Gym sa An­gono, Rizal.

Sa simula pa lamang ng laban sa itinakdang 12-round title fight para sa kanyang WBC international minimumweight title ay ipinaramdam na ni Cuello ang kaseryosohan sa ha­nga­ring manalo matapos ma­kakunekta sa Thai.

Sinikap na sumayaw ni Chaiyong para makaiwas sa malalakas na suntok ng Filipino champion pero ang pag-iwas ay nagkaroon ng hangganan sa ninth round ng maipit niya sa isang corner ang Thai challenger.

Ilang malulutong na sun­tok habang nakaipit si Chaiyong dahilan upang hindi ito makaganti at nagtulak kay referee Bruce McTavish na itigil na ang la­ban.

Show comments