MANILA, Philippines – Humugot ng mga tao ang Philippine Aquatics Sports Association (PASA) upang makatulong sa pagpapalawig sa programa ng samahan sa iba’t-ibang kapuluan ng bansa.
Pinangalanan ng PASA sa pangunguna ng pangulong si Mark Joseph sina Elvis Baldonado at Hazel Serag ng NCR, Lando Alvarez at Jo Ruel Galindo ng Visayas, Christian Gonzales at Lito Rivera ng Mindanao, Richard Luna ng Northern Luzon, Toto Villanueva ng Central Luzon at Dante Dalabjan ng Southern Luzon upang siyang maging kaagapay ng asosasyon sa kanilang lugar.
Ang pagpangalan sa mga ito ay nangyari kahapon kasabay ng isinasagawang National Youth Team Selection Trials sa Makati Aquatic Center.
“PASA have appointed today the Swimming Development Officer (SDO) batch I and they will asist PASA localize our programs and serve as seeds for the information of more PASA based local swimming communities all over the Philippines,” wika ni Joseph.
Kailangang ikalat ng PASA ang trabaho dahil lumalaki na ang sakop ng swimming sa bansa. Maliban ito sa pangangailangan ng PASA na makatuklas ng mga mahuhusay at batang manlalangoy na hindi nila magagawa ng mag-isa.
“This is a big step in the decentralization of PASA’s administration enpowerment of clubs and coaches in their areas of responsibility. The SDOs are PASA officers whose mandate is to bring PASA programs to the grassroots and deliver programs nationwide,” dagdag pa ni Joseph.
May karapatan ang mga SDOs na magpalaro, magturo at kumuha ng mga karagdagang tao kung kakailanganin upang mas maging epektibo sa kanilang misyon.
Ito ang unang pagkakataon na ginawa ng PASA ang hakbang na ito at madaragdagan pa ang mga SDOs lalo na kung patuloy ang paglaki ng mga swimming groups sa iba’t bang lugar.