LOS ANGELES - Lumipad si Blake Griffin sa ibabaw ng isang kotse at isinalpak ang isang two-handed dunk.
Ito ang siyang nagpanalo sa Los Angeles Clippers’ rookie sa 26th NBA slam dunk contest sa NBA All-Star kahapon.
Sinalo ni Griffin ang pasa ni Clippers’ teammate Baron Davis mula sa sunroof at nilipad ang 2011 Kia Optima habang kinakanta ng Crenshaw Select Choir ang “I Believe I Can Fly.”
“There’s a little pressure on us to really put on a show, but I thought those guys all did a great job,” wika ni Griffin, tinalo si Washington Wizard Javale McGee sa finals.
Ayon kay Griffin, kinalakihan niya ang panonood ng mga dunk contest sa videotape kasama ang kanyang kapatid sa Oklahoma City.
Ang nasabing car dunk ay dati na niyang ideya.
Pinuri naman ni Clippers owner Donald Sterling ang kanyang premyadong rookie.
Maliban kay McGee, tinalo rin ni Griffin si Toronto Raptor DeMar DeRozan.