Kotse ipamimigay ng Metro Card Club

MANILA, Philippines - Ang Metro Card Club, ang pinakamalaking poker room sa Asia, ay magbi­bi­gay ng brand new cars para sa kanilang mga loyal patrons.

Ang Metro Card Club na matatagpuan sa Metro­walk, Ortigas Center, Pasig ay namigay na ng BMW, isang Toyota Fortuner, Altis at Vios, at Mazda 3 sa ka­­nilang naunang freeroll tournament.

Kamakailan ay magka­sunod na panalo ang kinu­ha ng magkapatid na Aldrin at Lester Edoc na nag­re­sulta sa panalong P1.6 million ni Aldrin mula sa Christmas Tradition tournament, habang nakuha naman ni Les­ter ang isang brand new Mazda 3 sa Holiday freeroll.

Sa Pebrero, ang mga poker players na ma­ka­kaipon ng 100 hours pla­ying games mula Pebrero 1 hanggang 28 ay makakasali sa bagong Metro Feb Fever Freeroll na naglalaan ng brand new Mitsubishi Lancer at P500,000.

Show comments