Smart Gilas yumuko sa China

MANILA, Philippines - Kabiguan kaagad ang natikman ng Smart Gilas Philippine basketball team sa kanilang unang exhibition game matapos isuko ang 73-85 pagkatalo sa Guangdong Tigers sa China kahapon.

Ayon kay Serbian coach Rajko Toroman, masaya pa rin siya sa inilaro ng Natio­nals bilang paghahanda sa 16th Asian Games sa Guangzhou.

“We did good even if we lost the game,” sabi ni Toroman, hindi ginamit si Fil-Puerto Rican guard Solomon Mercado na may iniindang left ankle injury.

Sunod na makakalaban ng Smart Gilas ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa Huwebes ay ang Dongguan Leopards bago dumiretso sa Guangzou para sa opening ceremonies ng 2010 Asian Games.

Ang final-line up ng Smart Gilas para sa 2010 Guangzhou Asiad ay ina­asahang ilalabas sa Biyernes.

Unang makakatapat ng Nationals, iginiya ni Sen.Robert kaworski, Sr. sa silver medal noong 1990 Asian Games sa Beijing, sa Guangzhou ang Kuwait sa Nobyembre 13.

Ang panalo ng Natio­nals ang maglalagay sa kanila sa Group F kasama ang Iran, Qatar, Japan, Chinese-Taipei at ang ma­nanaig sa pagitan ng Afghanistan at India.

Show comments