HOLLYWOOD -- Si Antonio Margarito ay isa lamang magaling na body puncher.
Ito ang nakikita ni Manny Pacquiao sa Mexican fighter na kanyang makakasagupa sa Nobyembre 13 sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.
“Body puncher lang eh,” wika ng ‘pound-for-pound’ champion sa isang panayam sa Wild Card Gym.
Magaan ang pakiramdam ni Pacquiao buong araw kahit na nakipag-spar siya ng limang rounds kina Rashad Holloway at Dave Rodela.
At tila nasisiyahan siya sa kanyang ensayo.
Ngunit hindi para kina Holloway at Rodela, nakatanggap ng mabibigat na suntok mula kay Pacquiao at minsang nakatama nang magpasuntok sa kanila ang Filipino boxing icon.
Ayon kay ‘Pacman’, handa ang kanyang bodega sa mga body punches na pakakawalan ni Margarito.
Sinabi pa nitong gustung-gusto ni Margarito na magpakawala ng uppercut.
“Left and right,” obserbasyon ni Pacquiao.
Nakapagpabagsak na si Margarito ng 27 sa kanyang 45 na nakalaban kung saan 38 rito ay kanyang tinalo.
Subalit hindi iniisip ni Pacquiao na muling mananalo ang mas malaki at mas mabigat na Mexican.
“May tama na siya sa akin,” sabi ni Pacquiao sa pagbubukas ng depensa ni Margarito sa tuwing sumusuntok ito.
“He is a decent body-puncher but he really, really telegraphs those punches, really, really long and Manny will work on the counter shot,” sabi ni trainer Freddie Roach.