Tolentino nakiusap sa POC

MANILA, Philippines - Para sa diwa ng kapaskuhan, isang matiwasay at maayos na grupo ang asam ni Integrated Cycling Federation of the Philippines (ICFP) President Abraham Tolentino sa Philippine Olympic Committee lalo na sa presidente na si Jose Cojuangco upang tuluyan nang tuldukan ang anumang kaguluhang nagaganap para sa kapakanan ng cycling.

Dahil sa naturang alitan, naging magulo ang samahan na naging daan upang mapilay ang kampanya natin para sa gintong medalya sa Southeast Asian Games.

Sa pamamagitan ng isang liham na ipinadala sa POC hinihi-ngi nito ang pagkakaisa. Ang pagkakaluklok kay Tolentino bilang pangulo ang kinikilala ng Union Cycliste Internationale (UCI), Asian Cycling Confederation (ACC) at Philippine Sports Commission (PSC) at inaasa-hang mas magiging maayos na ang susunod na taon para sa organisasyon.    

“The past events have forced us to a retreat and evaluate if we are really doing a good service to the cycling sports. Unless we put an end to our differences, our athletes will be at the losing end.” “Unaware that these could be as ugly as where we are now, especially in the eyes of the international community,” anito matapos hindi pinayagang lumahok pa ang 12 siklistang sa SEAG sa Laos.

 “I am only rendering my service for the good of the group and not for my own benefit, and you are well aware that we gain nothing except to satisfy our desire to help the sport.” “Our group intends to usher in athletes from the other group since we have a long line up for international games scheduled by the UCI.” dagdag pa nito.

Sa pagbubukas ng panibagong taon, inaasam na mu-ling babangon ang Pilipinas at magsisimula. “We are once again asking your blessings as our Godfather in the sports, to recognize us,” aniya.

 “Upon our recognition, we will be accepting membership of the different teams from the other group and start to issue UCI licenses as a matter of course.”  (Sarie Nerine Francisco)

Show comments