Peñalosa planong patigilin na ni Morel

MANILA, Philippines - Ngayon pa lamang ay ipi­napakita na ni Eric Morel ng Puerto Rico ang kanyang determinasyong tuluyan nang pahintuin sa professio­nal boxing si Filipino world two-division champion Gerry Peñalosa.

Sa panayam kahapon ng Primera Hora sa father/trai­ner na si Cirilo Morel, sinabi nitong nasa matinding preparasyon na si Morel para sa kanilang title eliminator ni Peñalosa.

Nakatakda ang naturang bakbakan sa Pebrero 13, 20­10 sa Las Vegas Hilton sa Nevada.

“Peñalosa is a good figh­ter,” wika ni Cirilo kay Pe­ñalosa na nauna nang na­kipag-asaran kay Morel matapos ihayag ng Top Rank Promotions ni Bob Arum ang kanilang salpukan sa “Pinoy Power 3”.

“Peñalosa has said that Eric is a chicken and he likes to run in the ring. Therefore, we are going to beat him round by round,” dagdag pa ni Cirilo.

Ang mananaig sa pagitan ng 37-anyos na si Peñalosa at 34-anyos na si Morel ang siyang hahamon kay Me­xican Fernando Montiel para sa suot nitong World Boxing Organization (WBO) bantamweight crown.

Si Peñalosa ang dating nagmamay-ari sa WBO ban­tamweight title matapos itong agawin kay Mexican Jhonny Gonzales via se­venth-round KO noong Agosto ng 2007.

Binakante ni Peñalosa ang kanyang WBO bantamweight belt para hamunin si Puerto Rican Juan Manuel Lo­pez para sa hawak nitong WBO super bantamweight title noong Abril 25, 2009 kung saan isinuko ni trainer Freddie Roach ang laban sa tenth-round.

Kumpiyansa si Cirilo na tatalunin ni Morel si Peña­losa upang maitakda ang ka­nilang laban ni Montiel.

“Eric has the mentality that nobody is going to stop him from being a champion again,” ani Cirilo kay Morel, may 41-2-0 win-loss-draw ring record kasama ang 21 KOs kumpara sa 54-7-2 (36 KOs) ni Peñalosa. (RC)

Show comments