MANILA, Philippines - Humabol sa huling dalawang set, nailigtas ng Far Eastern University ang tropa sa pamamagitan ng pagbabago ng diskarte para masupalpal ang Ateneo OraCare at tapusin ang laban sa 25-20, 23-25, 25-21, 25-19 at kunin ang ikatlong panalo nito sa Shakey's V-League Season 6 second conference sa The Arena, San Juan City kahapon.
Masigasig na pumalo ng kanyang season high na 22 hits, kabilang ang 18 attacks, sinuwag ng FEU ang ADMU sa pamumuno ni guest player Racvhel Daquis. Habang sa tulong ng 21 points kontribusyon ni Shaira Gonzales tuluyan ng nailayo ng Tams ang distansya sa nagtatanggol na Lady Eagles.
Ayon kay FEU coach Nes Pamilar, nag-adjust ang grupo sa depensa at reception sa huling dalawang sets para makabawi at bumangon mual sa tinamong kabiguan sa nakaraang laban.
Dahil sa panalo, pumwesto ang FEU sa likod ng unang quarterfinalist na UST habang nalaglag naman ang Ateneo makalipas na paluhurin ang UP.
Sinubukang umalpas para magkaroon ng deciding game, naigapang ni Bea Pascual ang puntos para sa 16-15, ngunit maagap ang taktika ng Tams.
Bunga ng karanasan sa laban, mabilis na naibaon ng San Sebastian ang St. Benilde para sa 25-21, 25-19, 25-14 panalo sa ligang hatid ng Shakey’s Pizza.
Nagbigay ng pinagsamang 38 points, mula sa malalakas na tira nina Elaine Cruz, Margarita Pepito at Joy Benito, habang nalugmok naman ang karera ng St. Benilde sa kabilang ang 22 points na ambag nina Katty Kwan at Charmaine Velez. (SNFrancisco)