Lady Cardinals pinatalsik ng Letran spikers

MANILA, Philippines - Hinudyat ang pagtatapos ng elimination round, buong giting na pinatalsik ng Letran ang naghihingalong Mapua, 25-9, 25-14, 25-22 para iposte ang liderato sa Emilio Aguinaldo College Gym.

Dineretso ang paghatak ng panalo sa season high seven game winning streak, bumandera ang trio ng Intamuros based squad na sina Kriszelle Moralejo, Gena Andaya at Gretchen Mondragon para angkinin ang liderato.

Pasok rin sa susunod na round ang San Sebastian College at College of St. Benilde na tabla sa 7-2 marka.

Sa isa pang women’s match, hinampas ng Arellano ang panalo makaraang payukurin ang Jose Rizal University, 25-12, 25-20, 25-15, habang nagwakas naman ang pakikipagsapalaran ng Lady Cardinals at Lady Bombers sa kani-kanilang karera para sa torneo.

Samantala, para sa men’s division, kumpiyansa pa rin ang Knights na makasungkit ng inaasam na three peat na tagumpay nang pagharian nito ang laban kontra Jose Rizal U, 25-13, 25-12, 25-15 para hablutin ang huling semis berth.

Magtutuos para sa men’s semifinals ang top notcher na San Beda College, Perpetual Help, Angeles University Foundation at Letran. (Sarie Nerine Francisco)

Show comments