TACLOBAN CITY , Philippines -- Nakopo ni Dionesio Belmonte ng Ormoc City ang kanyang ikalimang sunod na leg championship noong nakaraang Linggo sa 33rd National Milo Marathon sa Leyte Sports Complex.
Si Belmonte na kamakailan lamang ay nagbitiw sa kanyang trabaho upang pagtuunan ng pansin ang training para sa naturang event ay nakatawid sa fi-nish line sa tiyempong isang oras at 16 segundo sa 21K upang makasama sa national finals na nakatakda sa Oktubre 11 sa Metro Manila sa karerang hatid sa pakikipagtulungan ng Bayview Park Hotel-Manila at Department of Tourism.
Pumangalawa naman si Allan Latoja ng Catbalogan, Samar at ikatlo si Elviro Pa-tindol ng Baybay, Leyte.
Sa kababaihan, nag-reyna naman ang 21 anyos na runner galing Ormoc na si Irish Barquero na kanyang ikatlong sunod na title leg dito.
Gayunpaman, hindi naging sapat ang panalo ni Barquero upang makalusot sa National Finals.
Pumangalawa naman Camila Luterte ng Baybay at ikatlo si Jane Ong ng Cebu.
Ang top three finishers sa 10K side event ay sina Jordan Bacong (35:33), Judito Paculdo (35:46) at Rodulfo Pepito (36:20) sa men’s at Ma. Luz Caobera (46:05), Elyssa Estacion (46:34) at Ma. Christina Babon (50:39) sa women’s.