BEIJING — Sinabi ni US-based swimmer Miguel Molina na ang bagong Speedo swim suits ay makakagawa ng bagong records sa heats sa kanyang paglangoy kontra sa pinakamabibilis na swimmers sa mundo na pinamumunuan ni American Michael Phelps na nasa magandang porma para sa isa pang gold, maka-break ng isa pang marka at manatiling nasa tamang daan para sa pinakamamataas na premyo bilang greatest swimmer of all time.
“The new suits appa-rently have produced fast times, but in terms of training, I have become faster,” ani Molina, na lalangoy sa 200m breast-stroke sa second heat ngayong alas-8 ng gabi at 200m individual medley bukas sa Water Cube.
“My basic input during my training was improve basic techniques in the backstroke. I have improved my stamina and I’m getting stronger and faster in the water,” wika ni Molina.
Laban sa pinakamahuhusay sa mundo, ang Filipino Southeast Asian Game most outstanding athlete ay may itinakda ng goal ang pagandahin ang kanyang marka na 2:16.62 sa 200m breast-stroke at wasakin ang Philippine mark at makapagtala ng bago sa Southeast Asian Games sa 200m IM.
Target din niya ang mas mababa sa dalawang minuto sa kanyang paboritong event, ang para wasakin ang RP mark.
“The idea is have more confidence, be more consistent and get relaxed,” wika ng SEA Games quadruple gold medallist. (Gerry Carpio)