Patuloy na naging mailap ang gintong medalya para sa mga Pinoy karatekas sa pagtatapos ng karatedo event sa Kebkanjana Hall of the Chanapolkan Institute of Technology gym.
Tanging silver medal lang ang naisalba nina Mae Soriano, Cherly Tugday at Luchie Melante sa women’s team kumite nang daigin sila ng Vietnam ng 1-puntos lamang.
Sa katunayan nagtapos ang laban na tabla sa 1 win, 1 loss at draw sa tatlong laban ngunit ang trio nina Tta Dato, Thy Nguyen at Tna Vu ang nanalo sa 1-puntos lang matapos is-break ng jury ang tie.
Sa Pattaya, dalawang silver medals ang nasagwan ng Team Philippines makaraang matalo ang men’s at women’s team sa traditional boat race sa Myanmar.