UP pinatalsik ng UST batters

Pinatalsik na ng University of Santo Tomas ang University of the Philippines sa finals ng men’s baseball habang nabuhayan ng pag-asa ang Adamson Univer-sity sa women’s softball finals sa UAAP Season 69 action.

Kapwa nagtala ng homerun sina Zhazha Alba at Sarah Jane Agravante sa bottom third at sixth innings, ayon sa pagkakasunod na sinundan ni Cloiene Muyco sa sixth mula sa RBI triple ni Yocel Aguilar nang igupo ng Lady Falcons ang UP Lady Maroons, 3-0 sa Rosario Sports Complex.

Sa kabilang dako, minasaker ng UST Tigers, ang Maroons na may twice-to-beat advantage makaraang mag No. 2 sa eliminations. Nagwagi ang Tigers, 6-2, noong Linggo sa Rizal Memorial diamond na isang akmang kasunod ng kanilang 16-5 pananalasa nang una silang magtagpo noong Huwebes.

Haharapin ng UST ang Adamson sa Game-One ng kanilang best-of-three titular series bukas sa Rizal diamond.

Ang NU at UP ang maglalaban naman para sa ikatlong puwesto sa ganap na alas-9 ng umaga.

Ang Game -Three naman ng Adamson-UP softball finals ay ilalaro ngayong alas-10 ng umaga sa Rosario.

Natalo ang Adamson, na umaasinta ng kanilang ikatlong sunod na titulo, sa Game-One, 3-1 noong nakaraang linggo.

Show comments