Nagbabalik si dating Japanese pro player Madoka Amano bilang coach ng RP mens at womens squad sa 15th Asian Games sa Doha, Qatar.
Doon sa mga hindi nakakaalam, si Amano ang responsable sa limang golds ni bowling great Bong Coo sa quadrennial meet. Ang most bemedalled Pinoy bowler sa kasaysayan ng Asiad. Si Coo ay kumulekta ng tatlong golds noong 1978 Bangkok Games at dalawa pa makalipas ang walong taon sa Seoul, Korea.
"Ngayon lang siya bumalik uli sa team," pagkumpirma ni Coo, kasalukuyang coordinator ng national team sa PSA Forum sa Pantalan Restaurant sa Manila.
Ang pagpasok ni Amano ay makakabuti sa kampanya ng bansa sa December 1-15 Asiad kung saan ang Pilipinas ang defending champion sa mens doubles event. Napagwagian nina 4-time World Cup champion Paeng Nepomuceno at RJ Bautista ang doubles gold noong 2002 Games sa Busan, South Korea.
Nagbabalik din si Nepomuceno sa RP roster kasama sina dating World Cup champion CJ Suarez, Chester King, Tyrone Ongpauco, Markwin Tee at reigning World Masters titlist Biboy Rivera.
Ang kababaihan naman ay binubuo nina world trio record holder Liza del Rosario, Liza Clutario, Ces Yap, Jojo Canare, Irene Garcia-Benitez at Apple Posadas.