Makaraang walisin ang 12 gold medals sa elementary at secondary rhythmic gymnas-tics competition, dalawa pa ang idinagdag ng NCR sa womens artistic event kahapon sa 2006 Palarong Pambansa sa Uni-versity of Nueva Caceres dito.
Umiskor sina Amanda Alejandrino, Ana Marie Doro-teo at Jatca Teressa Atis ng pinagsamang 62.625 puntos para talunin ang 54.625 puntos ng Region VII (CVRAA) at 53.600 puntos ng Region IV-A (CALABARZON) at itaas sa 14 ang gold medals ng NCR.
Sa athletics, ibinigay ng 17-anyos na si Aiza Rosero ang kauna-unahang gintong me-dalya ng Bicol Region nang pagreynahan ang secondary girls javelin throw mula sa kanyang batong 36.95m
"Hindi ko po inaasahan na mananalo ako kasi talaga pong malalakas ang mga kalaban," ani Rosero ng Buyo, Cama-rines Sur sa kanyang panalo kina Sharmaine Joy Bucaling (33.28m) at Josie Entrina (32.90m) ng Region VI (WVRAA).
Inialay naman ni Rizal Kasim ang unang gintong medalya para sa ARMM matapos dominahin ang elementary boys javelin throw sa kanyang 45.94m kasunod ang 42.41m ni Robert Monreal ng Region X (NMRAA) at 41.79m ni Alnair Aahdi ng ARMM.
Pinitas ng 14-anyos na si Debby Catabay ng Region I (IRAA) ang gold medal sa secondary girls triple jump mula sa kanyang lundag na 11.20m sa itaas ng 11.03m ni Irin Baluran ng Region VII (CVRAA) at 10.97m ni Maricel Mariano ng Region IV-A (CALABARZON).
Kabuuang 17 gintong medalya naman ang pag-aagawan para sa pangatlong araw na labanan sa elemen-tary at secondary level.
Ang mga ito ay sa elemen-tary boys 400m hurdles, 200m run, shot put, 100m run at 800m run, elementary girls 400m hurdles, 200m run, long jump, 100m run at 800m run, secondary boys discuss throw, 400m hurdles, 100m run at 800m run, secondary girls long jump, shot put, 400m hurdles, 100m run at 800m run.
Nakataya naman ngayong hapon ang 12 gintong medalya sa swimming event.
Ang mga ito ay ang ele-mentary boys at girls 50m breaststroke, 100m freestyle at 4x100m medley relay, secon-dary boys at girls 200m breast-stroke, 100m freestyle at 4x100m medley relay.
Sa secondary football sa Ateneo De Naga Main Cam-pus, pinahiya ng Region IV-A (CALABARZON) ang Region VII (CVRAA), 1-0; ginitla ng Region II (CAVRAA) ang Region XI (DAVRAA), 4-2; at tinalo ng Region XIII (CARA-GA) ang Region X (NAMRAA), 3-2. (Russell Cadayona)