"Ten rounds. For me its ten rounds," ani Jinkee habang kumakain ng pananghalian kasama si Pacquiao sa loob ng $4,000-a-month, two-bedroom apartment sa Palazzo East sa Los Angeles.
Si Jinkee, dumating sa LA mula sa Manila noong Linggo ng gabi ay hindi na kailangang pang magsabi kung kanino siya.
Kamakailan lamang ipinagdiwang ni Jinkee ang kanyang kaarawan at pagdating niya sa kanilang apartment sa LA ay sinalubong ito ni Pacquiao na may dalang regalo. Isang Sony Vaio laptop na nagkakahalaga ng $1,500.
Ipapadala sana ni Pacquiao ang laptop sa Manila ngunit hindi itinuloy nang malamang pinagbabayad ito ng P50,000 tax ng isang custom officials. At dito sa Amerika natanggap ni Jinkee ang kanyang regalo.
Pagkatapos ng pananghalian, bahagyang nagpahinga si Pacquiao at pagkatapos ay isinuot ang all-black winter get-up para maghanda patungong Las Vegas bandang alas-4 ng madaling araw, sakay ng kanyang bagung-bagong Porsche Cayenne sasakyan kasama si Jinkee at Wakee Salud. (ACordero)