Red Bull vs SMBeer sa Iloilo City

Magbabalik aksiyon na ngayon ang Philippine Basket-ball Association sa pagdaraos ng out-of-town game sa Iloilo City kung saan magsasagupa ang Red Bull at defending champion San Miguel Beer.

Alas-4:30 ng hapon ang engkwentro ng Barakos at Beermen sa San Agustin Gym para sa kauna-unahang laro ng PBA na nagbigay daan sa pagdaraos ng Southeast Asian Games bago pormal na magpatuloy ang aksiyon sa Araneta Coliseum sa Miyerku-les.

Hangad ng Red Bull na dugtungan ang kanilang win-ning streak sa limang sunod na panalo upang makakalas sa pakikipagtabla sa Barangay Ginebra sa 7-5 record upang bahagyang makalapit sa namamayagpag na Purefoods Chunkee na may 9-3 kartada.

Baon na baon pa rin sa ila-lim ng team standings ang San Miguel na dalawa pa lamang ang panalo matapos ang siyam na laro. (CVOchoa)

Show comments