"Siguro naman maganda na ang ipapakita namin, lalo na nga at dito sa bansa natin ang Southeast Asian Games," ani Concepcion, puputok sa mens 10-meter air rifle (60 shots) event sa 2005 Philippine SEA Games.
Sa 2003 Vietnam SEA Games, isang gold medal lamang ang naibulsa ng Philippine National Shooting Association (PNSA) mula sa mens team trap event.
Ngayong edisyon ng naturang biennial meet, kabuuang 25 gintong medalya ang nakalinya kung saan hangad ng PNSA na makakolekta ng walo hanggang 10.
Simula ngayong alas-9 ng umaga, nakatakda ang mga final round sa mens 50m pistol (60 shots) at practical pistol at sa womens 10m air pistol at practical pistol event sa PSC Shooting Range sa Fort Bonifacio.
Dalawang gold medal naman ang nakataya sa mens at womens trap (75 targets) event sa PNSA Clay Target sa Muntinlupa.
Lalahok si Carolino Gonzales sa mens 50m pistol (60 shots); sina Joel San Vicente, Joaquin Ortega at Luis Lee (mens practical pistol), sina Marly Analou Quinamola at Mary Grace Tan (womens practical pistol), sina Jethro Dionisio at Eric Ang (mens trap), si Rachel Marie Capili (womens 10m air rifle) at sina Gay Josefina Corral at Annamaria Gana (womens trap).
Nakatakdang pumutok si actor-sportsman Richard Gomez sa mens standard shotgun bukod sa pagsabak sa mens epee team event ng fencing. (Russell Cadayona)