Velazquez naka-kotse; Morales naka-jet plane

LOS ANGELES – Kung tatlong oras nagbiyahe si Hector Velazquez sa pamamagitan ng kotse mula Tijuana, Mexico patungong Los Angeles, mas kinailangan ni Eric Morales ng maikling biyahe sakay ng inupahang private jet.

Si Morales, ang Mexican ring sensation na nagpa-lasap ng kabiguan kay Pacquiao sa MGM Grand sa Las Vegas noong Marso, ay naririto upang labanan naman si American Zahir Raheem sa Staples Center.

Lalaban ni Pacquiao si Velazquez sa gabi ding iyon. Kapwa asam ni Pacquiao at Morales ang panalo na maaring maging daan sa kani-lang pinakahihintay na rematch na nakatakda sa Enero 21 sa susunod na taon sa Thomas and Mack Center sa Vegas. (Ulat ni Abac Cordero)

Show comments