May pakulo si Rellie de Leon para sa kanya at yan ang Kalikasan funbike na gaganapin sa March 7. Lagpas isang libo na ang nagpaparehistro. Darating ang Viva Hotbabes at siyempre si Jawo ay darating din para makisaya.
Para dun sa mga gusto pang humabol at magparehistro, tawagan lang si Rellie sa 0917-6250102.
Kapag hindi nagbago ang magandang nilalaro na yan ng mga bata ni coach Allan Caidic, makatitiyak na tayong makararating yan sa finals, isang bagay na pinakamimithi ng mga basketball fans.
Hanggat nanalo ang Ginebra, malamang na buhay na buhay din sa takilya ang PBA.
Wala na siyang team ngayon. Parang kailan lang nung nakapaglaro siya sa isang PBA team. Pero this year, hindi na siya nakuha.
Sabi naman ng isang nakakakilala sa kanya, "Karma niya lang yan. Nung makarating siya sa PBA, nakalimutan niya ang mga taong nakatulong sa kanya. Ang dami niyang bonus na natanggap sa PBA team niya pero hindi siya naka-alalang magpadala kahit ano sa mga dating handlers niya.
Amen!