Pangatlong pagdedepensa ito ng World Boxing Council (WBC) light-flyweight title ni Arce, at ilan sa mga tutungo sa dwelong ito ay ang kanyang matalik na kaibigan na si Erik Morales at maging si WBC president Jose Sulaiman.
Ang tatlong hurado naman para sa Arce-Gamboa bout na mula lahat sa Estados Unidos ay sina Gary Ritter ng Oklahoma, Peter Trematera ng Florida at Ray Hawkins ng Texas.
Ngayong araw ang official weighin at inaasahan na malalampasan agad ni Gamboa ang unang pagsubok.
Ngunit hindi naman alam kung makakaya pa ni Arce na kunin ang timbang na 108 lbs. dahil nito lamang kanyang mga huling laban ay hirap na hirap na itong mag-reduce.
Sakaling malampasan ni Arce si Gamboa ay aakyat na ito ng timbang.
Si Gamboa ay dumating sa Mexico City noong Sabado kasama ang kanyang trainer na si Juanito Ablaca.
Makakasama rin nito sa laban ang kanyang manager na si Joe Koizumi na dumating lamang sa Mexico noong Miyerkules matapos magkaroon ng emergency landing ang kanyang sinakyang Continental Airlines jet na patungong Houston, Texas.
Si Nady ay dalawang beses ding bumisita sa Pilipinas noong 1997.
Siya ang naging referee ng dalawang laban ni Luisito Espinosa kontra kina Mexican Manuel Medina at Argentinian Carlos Rios noong Mayo ay Disyembre. Ang Medina fight ay ginanap sa Luneta, samantalang ang Rios fight naman ay itinanghal sa Koronadal, South Cotabato.