Spring Cooking Oli vs MayniLA

Dadako ang aksiyon ng National Basketball League (NBL) sa Metro Manila nga-yon0 kung saan dalawang koponan--ang Forward Taguig at MayniLA ang magsasagawa ng kani-kanilang debut kontra sa magkahiwalay na kalaban sa C.P. Tinga Memorial Hall sa Taguig.

Tangka ng host Forward Taguig na magamit na bentahe ang kanilang homecourt sa pakikipaglaban sa Air Philippines-Bacolod sa alas-7 ng gabi makaraan ang alas-5 ng hapong sagupaan sa pagitan ng MayniLA at Spring Cooking Oil-Bulacan.

Ang Air Philippines at Spring ay kapwa lumasap ng kanilang unang dalawang pagkatalo sa Compak Shineway at M. Lhuillier Kwarta Padala-Cebu sa Ozamiz City sa torneong ito.

Show comments