NBA guru darating sa RP

Darating sa susunod na buwan ang NBA officiating guru na si Darell Garretson para sa hangad ng Philippine Basketball Association na mapabuti ang officiating ng liga.

Nakatakdang sanayin ni Garretson, 67-gulang, ang bagong batch ng mga opisyal simula sa season na ito sa February 3-27 ay ang culmination ng three-step program na isinaayos ng bagong technical chief na si Perry Martinez para mapalaki ang referees pool para sa susunod na season.

Umaasa ang PBA na maibabahagi ni Garretson ang kanyang kaalaman sa mga bagong Pinoy referees sa 25-day seminar na pangangasiwaan nito sa susunod na buwan.Tinatanggap pa rin ang registration para sa referee applicants na mapapasama sa Enero 24 sa mga regular referees sa 100-point pre-camp written exam na gaganapin sa AVR room ng PBA office sa loob ng PhilSports Complex.

Show comments