NCRPO-MERPO kampeon sa NPC Inter-Beat cagefest

Winalis ng powerhouse National Capital Region Police Office-Metro East Rizal Reporters Organization (NCRPO-MERPO) basketball team ang korona ng katatapos pa lamang na 2002 National Press Club Inter-Beat Basketball Tournament sa pamamagitan ng sweep.

Tinalo ng NCRPO-MERPO ang Malacañang Press Corps, 78-73 sa isang mahigpitang laro upang ibulsa sa ikatlong sunod na pagkakataon ang korona na ginanap sa San Andres Gym sa Manila.

Tumapos naman ng ikalawang puwesto ang Malacañang na una nilang tinalo sa iskor na 80-66 sa elimination round, habang naisubi naman ng POC-PSC Media Group ang konsolasyong ikatlong puwesto matapos nilang hiyain ang Defense Press Corps., 97-76.

Show comments