Tinalo ng 6-foot-6 na dating manlalaro ng MBA ang 10 iba pang imports mula sa Australia, Amerika at Nigeria para sa nasabing individual title.
Pinangunahan din ni Adducul ang kanyang koponan na Sun City Dragons sa pagsungkit ng korona matapos na talunin ang defending champion Mum, 83-70.
Si Adducul ay nakatakdang umakyat sa pro league sa susunod na taon at inaasahan na magiging No. 1 pick siya kung saan nagpahayag na ng interes ang Shell Velocity at FedEx Express na kunin ang kanyang serbisyo.