Sinabi ni Capistrano sa PBL Board meeting kahapon sa Makati Coliseum na nais ng school administration na bigyan ang kanilang mga student athletes ng bakasyon mula sa basketball upang pagtuunan ng pansin ang kanilang pag-aaral sa ikalawang semester.
"We are very grateful for the experience in the PBL which contributed a lot to our successful conquest of the UAAP seniors basketball crown after 12-years," ani Capistrano. "We also want to express our gratitude to our sponsors Pioneer Insurance, Hapee Toothpaste and Negros Navigation."
Idinagdag pa ni Capistrano na ang mga players mismo ang nagdesisyong lumiban muna sa kompetitibong tournament gaya ng PBL.
Posibleng pumasok sa basketball school ang koponan sa abroad kung wala silang torneong mapaglalaruan sa Pebrero.
Dahil nakatapos na sina Enrico Villanueva at Wesley Gonzales, mananatili sila sa PBL para maglaro sa Kutitap Toothpaste.